Local News

Mga Video Karera Machines, Pinagwawasak ni Manila Mayor Isko Gamit ang Maso!

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagwasak sa hindi bababa 75 na video karera machines na nakumpiska ng Manila Government. 10 sa mga nakumpiskang makina ay hindi na gumagana.

Ang mga naturang makina ay nakumpiska sa pamamagitan ng 2-araw na operasyon sa buong syudad. Parte ito ng kapanya ng kapulisan na mawaksi ang mga iligal na aktibidades sa Lungsod, ayon kay Manila Police Chief Brigadier General Vicente Danao Jr.

Sa isinagawang operasyon, ilang kabataan din ang na-aresto ng otoridad pero agad pinalaya ng kapulisan.

“Ito yung prina-priority number one ni Mayor dahil ito yung nakakasira sa ating mga kabataan. Dito nalululong yung mga bata eh,” sabi ni Danao.

Sabi ni Mayor Isko, ayaw niya ng mga video karera sa kanyang lungsod. Hindi din gusto ng alkalde ang mga saklaan, pula-puti at mga sabungan.

Ayon sa alkalde, nagagamit daw sa transaksyon sa bawal na gamot ang mga video karera.

Nagbigay din ng babala si Mayor Isko sa mga pulis na nakikinabang sa mga video karera at protektor ng mga ito. Oras daw na mapatunyang ang pagkakasangkot ay pananagutin ang mga ito.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginawa ng alkalde ng Maynila.

“Sir Mayor Isko Moreno ingat po kayo lagi sa mga sindikato jan sa nasasakupan mo sigurado maraming maiinis sayo dahil sa ginagawa mong paglilinis god bless sir,” sabi ni A. Sangcap.

” Sana hindi simula lang o ni gas, hindi pablisidad lang ang pagbabagong ipinapatupad ni Mayor Isko. Ibalik mo ang dating malinis at may kaayusang Manila bilang kabiserang siyudad,” sabi ni N. Ramos.

“Nasubukan na c mayor atienza c mayor lim at c mayor erap ngaun c mayor isko moreno nman sana mas mahigitan pa nya yung sinundan niyang mga mayor… Goodluck po mayor isko,” sabi ni E. Dela Cruz.

Source: ABS-CBN | GMA News | Inquirer | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén