Local News

Look! 8 Pesteng NPA, Pinulbos ng Militar!

Hindi nakaporma sa pwersa ng gobyerno ang 8 New People’s Army (NPA). Napulbos ang mga rebeldeng komunista nang makaharap nila ang tropa ng pamahalaan sa Guihulngan City, Negros Oriental.

Ayon sa militar, narekober ang mga labi ng mga NPA, kasama angmatataas na kalibre ng baril.

Base sa ulat ng kasundaluhan, nakasagupa ng mga pulis at militar ang 40 rebelde noong Martes. Nagtungo ang mga tropa ng gobyerno sa lugar dahil sa mga sumbong na mayroong grupo ng mga rebeldeng nagtitipon-tipon para sa anibersaryo ng NPA sa ika-29 ng Marso.

“We received information that there were NPA members converging in the area since their anniversary is drawing near… We also received reports that they were extorting civilians in the area, so we sent troops there… We have sent additional forces to identify the fatalities, if there were women and children involved,” sabi ni 303rd Brigade civil-military operations officer Capt. Kelvin Bayaban.

Nagpasalamat naman si acting 303rd Brigade commander Col. Michael Samson sa mga residenteng nagsumbong sa kanila tungkol sa mga NPA.

“I urge our soldiers to relentlessly pursue the NPA who had been threatening our people in the countryside. I also encourage the people to continue giving information on the presence of NPA in their communities in order for us to prevent them from casting terror activities that could hamper the ongoing peace and development in the area,” ani Samson.

Source: Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén