Local News

“$80 Million Pabuya para sa Ulo ni Trump”- Iran Eulogist

Nitong unang bahagi ng Enero ay naging sentro ng balita ng mga malalaking media outlets ang air strike na isinagawa ng Estados Unidos sa Iraq kung saan napaslang ang Iranian military leader na si General Qassem Soleimani. Ang pag-atake laban sa military leader ay may go-signal ni United States President Donald Trump.

Dahil dito, naglabas ng pahayag ang ilang opisyal ng bansang Iran na magsasagawa sila ng paghihigante laban sa Amerika.

“It might be argued that there could be proxy operations. We can say America, Mr. Trump, has taken action directly against us — so we take direct action against America… Our reaction will be wise, well considered and in time, with decisive deterrent effect,” ayon kay Maj. Gen. Hossein Dehghan, military adviser to Iran’s Supreme Leader.

Nagbanta naman si President Trump na nakahanda silang umatake sa 52 Iranian sites kung sakaling isakatuparan ng Iran ang balak nilang paghihigante.

“Let this serve as a WARNING that if Iran strikes any Americans, or American assets, we have………targeted 52 Iranian sites (representing the 52 American hostages taken by Iran many years ago), some at a very high level & important to Iran & the Iranian culture, and those targets, and Iran itself, WILL BE HIT VERY FAST AND VERY HARD…The USA wants no more threats!” sabi ni US President Trump.

Sa funeral procession para kay Soleimani na dinaluhan ng libo-libong Iranian, sinabi ng eulogist sa mga kababayan nito na kung maglalaan lang ng isang dolyar ang bawat 80 milyon na Iraninan, makakalikum sila ng $80 million para ipatong sa ulo ni Trump.

“We are 80 million Iranians, if each one of us puts aside one American dollar, we will have 80 million American dollars, and we will reward anyone who brings us [Trump]’s head with that amount,” sabi ng Iranian Eulogist.

Ang proposal ng eulogist ay narinig sa live broadcast ng funeral procession para kay Soleimani .

Source: Snope | NBC News | CNN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén