Local News

80 Milyong Tao ang Nanonood sa ABS-CBN kada Araw – Congresswoman Sol Aragones

Sa kanyang talunpati sa kongreso, sinabi ni Representative Sol Aragones na nasa 80 milyong Pilipino daw ang nanonood ng ABS-CBN kada araw. Ito din daw ang numero uno sa nagbibigay ng impormasyon at inspirasyon sa mga kababayan natin. Si Aragones ay dating journalist sa ABS-CBN.

“Ang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN ay katumbas sa pagbiigay sa higit 80 milyong Pilipinong tumututok sa istasyon sa araw-araw ng kanilang buhay. Dahil ang ABS-CBN po ay isa sa pangunahing, pinagkukunan ng impormasyon, kasiyahan at inspirasyon sa panahon ng kalungkutan lalo na sa panahon ng pandemiya,” sabi ni Congresswoman Aragones.

Ang Kapamilya network ay inatasan ng National Telecommunication Commission (NTC) na huminto sa pag-ere dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito noong ika-5 ng Mayo.

Source: Mark Lopez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén