Local News

9 Bagong Tren ng PNR na Halagang P2.5 Bilyon, Darating na Ngayong 2019!

Isa sa mga tinutugunan ng husto ng kasalukuyang pamahalaan ay ang sektor ng transportasyon. Ito ay upang maging maginhawa at mabilis ang pagbiyahe ng mga kababayan natin. Noong nakaraang taon ay pinirmahan ng gobyerno at ng Indonesian Company na PT Inka ang kontrata na nagkakahalaga ng P2.5 bilyong piso para magkaroon ng karagdagang tren ang ating Philippine National Railways (PNR). Ngayon taong 2019 ay inaasahang maide-deliver na ang siyam na bagong tren. Tinatayang aabot sa 120,000 na pasahero ang kayang serbisyuhhan ng mga nasabing bagong tren. Sa kasalukuyan, mayroon lamang 11 train sets ang PNR at karamihan sa mga ito ay mga second hand galing sa bansang Japan.

Panoorin ang kaugnay na ulat noong 2018 patungkol sa pagbili ng karagdagang tren para sa PNR.

Basahin ang ilang reaksyon ng mga kababayan natin magandang balita na ito sa larangang ng transportasyon.

Source: News5 | Motoring Today

Leave a Reply