Local News

‘91% approval rating will never make mass murder right’ Kiko Pangilinan

Nitong nagdaang araw ay naglabas ang Pulse Asia ng resulta ng kanilang survey patungkol sa trust ratings ng mga government official sa ating bansa. At sa nasabing survey ay nanguna si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mayroong 91% trust ratings, habang si VIce President Leni Robredo ay may kakarampot na 50% rating.

Nagpasalamat naman ang MalacaƱang sa naging resulta ng survey.

“Ang pangako talaga ng Presidente, gagawin niya ang lahat para makabangon tayo sa pandemiyang ito at isasantabi talaga niya ang pulitika. Lahat ng Pilipino, supporter niya, kalaban niya, iaahon niya hangga’t maaari sa kahirapan na dinulot ng pandemiya,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque

Nagpasaring naman ang tagapagsalita ni Pangulong Duterte kay Robredo.

“Naku, Madam VP, mukhang tama ang aking sinasabi. Ayaw yata ng mga Pilipino na namumulitika sa panahon ng pandemiya.

Subukan nating itigil ang pulitika. Baka po tumaas nang mas mataas sa 50% ang trust rating at mataas pa po sa 57% ang performance rating niyo,”
buwelta ni Roque.

Dahil sa napakataas na marka ni Pangulong Duterte, tila naging “bitter” ng mga kritiko ng administrasyon.

Is sa mga kumukuda ngayon tungkol sa rating ay ang opposition senator na si Kiko Pangilinan. Sa kanang social media post ay pinasaringan niya ang 91 percent approval rating.

“A 91 percent approval rating will never make mass murder right,” sabi ni Pangilinan.

Source: Kiko Pangilinan | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: