Local News

95 Billion Utang ng mga Power Firms, Alam na ng Dept of Finance!

Natuklasan sa isinagawang joint committee sa House of Representatives ang utang ng ilang power firms at electric cooperatives na aabot sa P95.3 billion.

Ayon kay Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) lawyer Irene Joy Besido-Garci, ang nasabing halaga ay ipapasa sa mga Pilipino.

Ang tungkulin ng PSALM ay para kumolekta ng mga utang ng mga power firms. Ito ay matapos ibinenta ng National Power Corporation ang mga power assets sa mga private companies. Pero sa ngayon ay hindi makakolekta ng utang ang PSALM dahil kinuwestiyon ng mga power firms sa Supreme Court ang proseso.

Hindi pa tiyak ni Garci kung nakarating na kay Pangulong Duterte ang impormasyon tungkol sa mga utang pero alam na raw ng Department of Finance ang lahat.

Ipapatawag naman nina Representatives Michael Defensor at Jonathan Sy-Alvarado ang mga power firms sa susunod na pagdinig sa kongreso. Ayon kay Defensor, tiyak na magpupuyos sa galit ang Pangulo dahil nagalit na ito noong malaman na may 11 billion arrears ang dalawang water concessionaires.

“Most of them have not paid yet. They will be called for the next hearing. The government could earn a lot from these from the collection… These overdue accounts should be paid by the power firms. In the end, the public would carry the burden of paying these, not the government… I’m asking if the President knows this because he will definitely get angry once he learns about this. If he gets mad at the P11 billion arrears of the two water concessionaires, how much more to this? I’m almost sure he’ll go ballistic over this,” sabi ni Defensor.

Source: Manila Standard

Leave a Reply

Theme by Anders Norén