Local News

ABS-CBN Anchor Anthony Taberna, Inupakan ni Tulfo!

“Gusto mo ng gibaan?”

Sa programang Bitag Live ng kilalang broadcaster na si Ben Tulfo, binanatan nito ang mamamahayag ng ABS-CBN na si Antohony Taberna. Ito ay kaugnay sa pagpuna umano ni Taberna sa plunder case na kinasasangkutan ng mga magkakapatid na Tulfo. Ipinaliwnag din ni Tulfo ang kontrata nila sa isang istasyon.

“Anong nangyari sa partylist ni Erwin? Sumirit! Sinubukan kaming gibain sa pamamagitan ng plunder. Kami may kontrata lang naman, sinunod lang ang kontrata dahil may principal kami. Ito ang sinasabi ni Anthony Taberna,” sabi ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo, si Taberna daw ay corrupt. Bininuyag din ni Tulfo ang mga negosyo ng talent ng ABS-CBN. Banat pa ni Tulfo, aligned din daw si Taberna kay Trillanes.

“Anthony Taberna, show me your papers. Listen kid. Grow up. Bago ka tumingin sa bakod ng iba, you are so corrupt. Once upon a time, sabit-sabit ka lang sa jeepney at mga bus, all of a sudden, how come ang dami mo ng fleets ng sasakyan. Explain that to me now. Anthony Taberna, aligned with Tonio Trillanes… Kung titignan mo ang weldo mo diyan sa iyong pagiging anchor sa radyo, milyones ba ang halaga niyan? Oh ABS-CBN, paliwanag nga. Magkano ba suweldo niyan? Oh ngayon, sino ang corrupt? Iba talaga pag sinasabing ‘attack and collect, defend and collect’. Kaya ayaw mismo sa iyo ng network mo eh,” banat ni Tulfo.

Resbak pa ni Tulfo, may mga kasamahan daw si Taberna na nagbigay ng impormasyon sa kampo niya.

“Binigyan kami ng mga bala laban sa iyo. Kasamahan mo sa network mo nagbibigay ng bala. You want me to prove that? O sige. I will make this a series. Anyway, you fired the first shot, I am only trying to fire back. Let us see kung sino ang maa-annihilate dito,” buwelta ni Tulfo.

Source: Bitag Official

Leave a Reply