Local News

ABS-CBN, Bumagsak ang Halaga sa Merkado Matapos Maghain ng Quo Warranto si SolGen Calida!

Lumagapak ang shares ng ABS-CBN Corp nitong Lunes matapos maghain si Solicitor General Jose Calida ng “Quo Warranto” petition sa Supreme Court upang ipakansela ang legislative franchise ng network giant.

Ayon sa ulat kahapon ng Philippine Star, bumagsak sa 2% ang ABS-CBN shares. Kulay pula din daw ang main index nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Solicitor General Calida na nagkitaan nila ng paglabag ang media outlet. Ang mga nasabing paglabag ay napabayaan daw sa napakaraming taon at may mga pang-aabuso din daw ang media company.

“We want to put an end to what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN benefitting a greedy few at the expense of millions of its loyal subscribers. These practices have gone unnoticed or were disregarded for years,” sabi ni SolGen Calida.

Maliban sa quo warranto petition laban sa prangkisa nito, mapapaso na din ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30, 2020. At kung hindi mapapalawig ang nasabing prangkisa, 70% ng kita ng ABS-CBN ay maaapektohan.

Hanggang ngayon ay nakabinbin pa sa kongreso ang mga panukalang batas para sa legislative franchise ng media outlet. Habang si Pangulong Duterte ay makailang ulit na rin nagbanta na hindi niya hahayaan na makapagpalawig ng prangkisa ang ABS-CBN.

“Ang inyong franchise mag-end next year [Your franchise will end next year]. If you are expecting na ma-renew ‘yan [a renewal], I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out… Ang ABS-CBN, ‘yung bunganga ng inyong interes, they protect you…Kayo ngayon, mag-renew kayo ng contract? Ilan kayong mga senador ngayon na nagbayad sa inyo na hindi ninyo pinalabas yung kanila?… Unang nilabas ninyo ‘yung kay Trillanes ‘yung using the children of a propaganda…. Tinanggap ninyo ang ₱2 million ko, ni wala…Hindi lang ako ‘yung na-ganoon, Chiz Escudero, marami. Lahat sa Congress,” buwelta ni Pangulong Duterte noong Disyembre 2019.

Source: Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén