Local News

ABS-CBN CEO Carlo Katigbak, Maluha-luha Matapos ang Hatol ng Kongreso!

“First of all, I want to thank everyone for…First of all, I want to thank everyone for fighting with us,”

Sa kanyang mensahe sa mga empleyado ng ABS-CBN, mapapansin na pinipigilan ni Kapamilya network CEO Carlo Katigbak ang kanyang luha sa pagtulo.

Ang bahagi ng video ay ibinahagi ni ABS-CBN actor Gerald Anderson sa kanyang social media account. Mapapansin na nahihirapan si Katigbak na tapusina ng kanyang mensahe sa mga empleyado ng istasyon habang kino-kontrol niya ang kanyang emosyon.

Matatandaang dumalo si Katigbak sa mga pagdinig ng kongreso para makakuha ng bagong prangkisa sa kanilang network.

Magugunita na nagbigay ng pahayag si Katigbak sa sa isang media station matapos magdesisyon ang 70 na kongresista na huwag bigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

“Labis kaming nasasaktan sa desisyon ng Committee on Legislative Franchises na tanggihan ang franchise ng ABS-CBN. Naniniwala kaming nakapagbigay kami ng serbisyong makabuluhan at mahalaga sa mga Pilipino. Gayunpaman, nagpapasalamat kami sa Committee para sa pagkakataong maipahayag ang aming panig sa mga isyung laban sa amin… Mananatili kaming nakatuon sa serbisyong publiko at umaasang makakahanap ng ibang paraan para tuparin ang aming misyon. Kasama ang aming mga empleyado, karamay niyo kami sa inyong kalungkutan. Inaasahan namin ang araw na tayo ay magkakasamang muli. Mga kapamilya, maraming salamat na patuloy kayong nagtiwala, sumuporta, nagdasal at lumaban kasama namin. Kapit lang. muling magliliwanag ang kwento ng bawat Pilipino,” sabi ni Katigbak.

Ilan sa mga nasilip ng kongreso laban sa ABS-CBN ay ang mga kuwestiyonableng labor practices ng kumpanya, tax avoidance schemes, pangingialam sa politika, bias na reporting at citizenship issue kay ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez III.

Source: Manila Bulletin | Gerald Anderson

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: