Local News

ABS-CBN Frequency, Gamitin ng Gobyerno para sa Department of Education Operations? Radio Host, may Suhestiyon tungkol sa Frequency ng Kapamilya Network.

Isang magandang suwestiyon ang inilutang ng radio host at Manila Bulletin Columnist na si RJ NIeto o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy patungkol sa frequency ng ABS-CBN.

Magugunita na nitong unang bahagi ng Mayo ay pinahinto ng National Telecommunication Commission (NTC) ang Kapamilya network sa pag-ere.

Sa isang social media post, tanong ni Nieto kung maaari bang magamit ang frequency ng ABS-CBN para sa operasyon ng Department of Education (DepEd).

“Since Channel 2 is already gone, can the Government use the frequency for Educational TV to augment DepEd efforts?” sabi ni Nieto.

Nagsalita na rin ang retiradong mamamahayag na si Jay Sonza tungkol sa frequency ng ABS-CBN. Ayon sa dating news director ng Kapamilya network, bumalik na raw sa gobyerno ang nasabing frequency.

“Wala ng babalikan pang channel 2. channel 23. 630 kHz AM. 101.9 FM at iba pang dating free to air frequencies ang abs-cbn broadcasting corporation.

Lumampas na ang taning na sampung (10) araw na palugit ng NTC.

Balik gobyerno na. Open for application to other interested franchise holders.

But if they are granted a new franchise, they can always apply for an allocation of free to air radio and TV frequencies.

Not to worry. Marami pa namang bakante sa UHF (example: channels 119.120 TV at upper AM & FM band (example: 1580 khZ & 107.9 mHZ)” paliwanag ni Sonza.

Source: Thinking Pinoy | Jay Sonza | Archive | Jay Sonza

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: