Local News

‘ABS-CBN, Hindi Hinabol ng China Coast Guard!’ AFP, Nagsalita na!

Kamakailan ay naging laman ng balita ang paghabol umano ng Chinese attack boat sa mga Pilipino sa tensyonadong bahagi ng West Philippine Sea. Kasama ng mga mangingisdang Pilipino ang ABS-CBN news crew noong nangyari ang insidente.

“May lumapit na puting barko ng China Coast Guard at dumidiretso. Nakikita namin na papunta sa direksyon namin ‘yung barko. Maya-maya ay nagradyo ito at sa salitang Ingles ay tinatanong kung sino kami at ano ginagawa namin doon… Kahit kami ay nasa ruta na papauwi ng mainland ay mga isang oras kaming hinabol,” sabi ni ABS-CBN reporter Chiara Zambrano sa kaniyang ulat.

Para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM), hindi hinabol ng Chinese Coast Guard ang bangkang Pinoy na lulan ang ABS-CBN crew.

Ayon kay AFP Western Command commander Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez, inoobserbahan lang ng mga Tsino ang mga Pilipino. Nagdududa lang daw ang Chinese coast guard dahil hindi sumagot sa radyo ang mga Pilipino.

“Kung talagang hinabol kayo no’n, madali niya kayong inabutan… Inoobserbahan lang kayo no’n,…If we follow the dictum of ‘flight is an admission of guilt,’ bigla kayong umalis eh,” sabi ni Enriquez.

Hindi lang si Vice Admiral Enriquez ang diskumpiyado sa sinasabi ng ABS-CBN crew. Matatandaang may ilang personalidad na rin ang nagsalita tungkol sa isyu. Ilan sa mga ito ay ang retiradong mamamahayag na si Jay Sonza.

“Anong boat chase ang pinagsasabi ng tangang Kapamilya reporter? Baka nakabatak ka Inday at nakakita ka ng habulan sa alapaap. Parang may amats ka pa chang,” sabi ni Sonza.

Pinuna din ng radio host at blogger na si Mark Lopez ang ulat ng ABS-CBN.

“Sandali lang, ang trabaho ng media mag report ng news, hindi gumawa ng news.
Anung katangahan yung ginawa sa DISPUTED Waters?” banat ni Lopez.

“Dahil Araw ng Kagitingan, gumawa kayo ng intriga sa DISPUTED Waters, tapos ung walang credibility pa na reporter, and you expect na maniwala kami?” dagdag pa ni Lopez.

Source: ABS-CBN | 1 | 2 | Jay Sonza | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén