Local News

ABS-CBN Host Boy Abunda, Kinontra ang Planong Lockdown sa mga Senior Citizens

Hindi sang-ayon si ABS-CBN Host Boy Abunda sa plano ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na huwag payagan ang mga senio citizen na lumabas ng mga tahanan sa pagpapairal ng general community quarantine (GCQ) sa ilang lugar sa bansa.

Ayon sa host, dapat mapag-aralan ng mabuti ang panukala dahil marami daw na mga senior citizens na tulad niya ang nagtatrabaho pa rin.

“They’re marginalizing a big part of the population, lalo na yung 60 to 65 years old,” sabi niya. Maganda yung intent ng panukala, pero ang pananaw ko, there’s a big chunk of healthy seniors. And nalaman natin in the past months that COVID-19 just doesn’t attack seniors, although vulnerable sila. Pero kung titingnan mo ang data ay walang piniling edad,” sabi ni Abunda.

Maitutulad din ang panukala sa diskriminasyon.

“A lot of the first and second layers of offices or government agencies are seniors. And these are people who have to move around to be able to implement programs and policies. Sa mga industriya rin, private industries, marami rin. To me, it’s discriminatory to a certain point,” ani Abunda.

Naiintindihan naman daw ni Abunda ang intensyon ng IATF na protetahan lamang ang mga senior citizen pero tila minadali ang panukala.

“You have to also remember na most of these decisions are made really quickly. It is our responsibility to react, to respond, and to engage people in healthy conversations… This is not the time also to be divided. This is not also a time to quarrel. I don’t think we should get there. Yung may disagreement tayo, pag-usapan nating mabuti. Pero ako, halimbawa, in normal times, it’s really discriminatory. It’s marginalizing healthy seniors,” dagdag pa ni Abunda.

Nilinaw naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi pipigilan lumabas ang mga senior citizens sa ilalim ng nasabing quarantine.

“The operating guidelines are to be issued. Of course, the seniors who are actively working or running businesses will be allowed. We will use ID system,” saad ni Trade Secretary Lopez.

Ang mga quarantine ay pinapatupad ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang malabanan ang mabilis na pagkalat ng covid-19.

Source: PEP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: