Local News

ABS-CBN, Tumakbo sa Korte Suprema para Pigilan ang Shutdown Order ng NTC!

Dumulog na sa Korte Suprema ang ABS-CBN para humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) para pigilan ang kautusan ng National Telecommunication Commission (NTC) na tigil operasyon na ipinataw sa kanila.

Magugunita na noong ika-5 ng Mayo ay naglabas ng direktiba ang NTC na pagpapahinto sa pagpapasahimpapawid ng Kapamilya Network. Ito ay sa kadahilanang paso na ang prangkisa ng nasabing istasyon.

Matatandaan na ilang araw bago mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN ay nagbanta si Solicitor General Jose Calida sa NTC na kung sakaling bigyan nito ng provisional authority to operate ang media giant kahit walang prangkisa ay mahaharap ang mga opisyales ng ahensiya sa kaso.

“The NTC commissioners risk subjecting themselves to prosecution under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act should they issue the unlawful PAs (provisional authorities) to ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence in the absence of franchise,” sabi ni SolGen Calida.

Ang mga public utilities tulad ng media outlets, electric companies at cable tv operators ay ay kailangang makakuha ng legislative franchise mula sa kongreso bago makapasimula ng operasyon.

Ang ABS-CBN ay ilang beses pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ire-renew ang prangkisa dahil hindi inere ng istasyon ang kanyang campaign advertisement noong kampanya para sa 2016 elections kahit tinanggap daw ng network ang kanyang bayad. May isang pagkakataon na sinabihan pa niya ang mga may-ari ng istasyon na ibenta na lang ang network.

Sa senate hearing nitong unang bahagi ng taon, humingi ng paumanhin si ABS-CBN President Carlo Katigbak kay Pangulong Duterte sa nagawa ng kanilang kumpanya. Tinanggap naman ito ni Pangulong Duterte.

“We were sorry if we offended the President. That was not the intention of the network.

We felt that we were just abiding by the laws and regulation that surround the airing of political ads.

Today, we want to make a categorical statement together with our chairman Mark Lopez that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,” sabi ni ABS-CBN Corporation President and Chief Executive Officer Katigbak.

Source: ABS-CBN | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: