Local News

ABS-CBN, Ibabalik sa Ilalim ng Liderato ni House Speaker Velasco – Congressman Atienza

Para kay House Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, maibabalik sa ere ang ABS-CBN. Ito ay kasunod ng pagpapalit ng liderato ng kongreso. Ayon kay Atienza, hindi daw nabigyan ng hustisya ang media network. Itinulad pa ni Atienza sa firing squad ang pagbasura sa franchise application ng ABS-CBN.

“I am really confident, justice will prevail by next year.They (ABS-CBN) were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice. Ako, I am just giving the new Spea¬ker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, ka uupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibaliknatin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad ang pumatay sa ABS-CBN, firing squad eh,” boladas ni Atienza.

Paliwanag naman ni House Minority Leader at Abang Lingkod Partylist Joseph Stephen Paduano, puwede ng maghain ang media network ng aplikasyon para sa prangkisa sa pagpasok ng 2021.

Matatandaan na sa ilalim ng liderato ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ay matagumpay na nabasura ang franchise renewal ng Kapamilya Network. 70 mga mambabatas ang tumutol sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa istasyon. Magugunita na lumabas ang sari-saring mga isyu laban sa ABS-CBN noong nagsagawa ng pagdinig ang kamara patungkol sa franchise application ng kumpanya. Ilan sa mga lumitaw na isyu laban sa istasyon ay ang hindi magandang labor practices, tax avoidance scheme, at marami pang iba.

Maaalalang binantaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN. Isa sa mga ikinagalit noon ni Pangulong Duterte sa Kapamilya network ay ang hindi pag-e-ere ng kaniyang campaign ads at ang pagpapalabas ng anti-Duterte commercial ni former senator Antonio Trillanes.

Kung kayo ang tatanungin, payag ba kayong maibalik sa himpapawid ang ABS-CBN?

Source: DWIZ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén