Local News

ABS-CBN, Imposibleng Maisarado Kahit ‘Di Ma-renew ang Franchise – KBP Secretary!

Base sa pahayag ng kalihim ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na si Lito Yabot, hindi maaaring maipasara ang ABS-CBN dahil lang paso ang prangkisa nito.

Ayon kay Yabut, wala pa raw nangyayari sa kasaysayan ng bansa na naipasara ang isang istasyon dahil lamang nag-expired ang prangkisa nito. Ipagtatanggol daw ng mga manonood ang ABS-CBN kung ipapasara ito.

“There never was a broadcast station that was shutdown because the franchise expired — never in the history of the Philippines. My father knows that, Gabby Lopez’s father knows that. Wala, wala. No such thing,” sabi ni Yabut.

“You know politics or not politics, shutting down ABS-CBN will never happen. You’ve got the audience who’s going to defend ABS-CBN if it really is a problem. Why are you stopping a network that’s been existing for 65 years?,” dagdag pa ni Yabut.

Magugunita na ilang beses na inilutang ng Pangulong Rodridgo Duterte ang ideya ng pagharang sa pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN. Isa sa mga dahilan ng Pangulo ay ang hindi pagpapalabas ng kanyang campaign ads kahit nagbayad siya sa ABS-CBN para mai-ere ito.

Ang panukalang batas para mai-renew ang prangkisa ng ABS-CBN ay nananatili pa ring nakabinbin sa kongreso.

Source: Philstar | One News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén