Local News

‘ABS-CBN, Ire-Raid o Sasalakayin ng Gobyerno ‘Pag Nag-Operate Kahit Walang Prangkisa!’ – Franchise Lawyer

Base sa pahayag ni franchise lawyer at dating congressman Rolex Suplico, dapat ihinto ng ABS-CBN ang operasyon nito pagtungtong sa May 5, 2020. At kung hindi daw ito gagawin ng istasyon maaari na itong salakayin ng pamahalaan dahil magiging iligal na ito.

“Alam niyo po, maraming cases ng pirate station na nire-raid ng National Telecommunication Commission (NTC). Even ang regional offices lang ang nagre-raid. Pag ni-raid iyan, confiscated ang lahat ng equipments… By May 5, 2020, 12:01 am dapat ihinto ang broadcasting, ‘pag tinuloy ang broadcasting. it becomes a pirate station subject to raids and confiscation at iligal na iyon,” sabi ni Atty. Suplico.

Iginiit din ng abogado na hindi talaga maaaring magsagawa ng operasyon ang ABS-CBN ‘pag napaso na ang prangkisa nito dahil lalabas na kolorum ang media station.

“Ang batas ay nagsasabi na kung wala kayong prangkisa, hindi kayo maaaring ma-isyuhan ng provisional authority (PA). Gaano ho kahaba ang PA? 18 months. May kondisyon iyan at kung ma-fufill mo ang kondisyon, pwede ka ng makahingi ng Certificate of Public COnvenience and Necessity… (Pag-tinuloy ng ABS-CBN ang station) iyan ang tinatawag namin na ‘pirate station’. Ng pirate station ay isang TV o radio station na nag-o-operate na walang prangkisa o wlang PA mula sa National Telecommunication Commission (NTC), “ dagdag pa ni Atty. Suplico.

Ang isyu ng prangkisa ng ABS-CBN ay tinutukan ng ilang media nitong mga nagdaang mga linggo matapos maghain si SOlicitor General jose Calida sa Supreme Court ng quo warranto para mapabasura ito. Magugunita naman na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN dahil sa hindi nila pagpapalabas ng campaign ads ng dating alkalde ng Davao City noong 2016 elections. Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Salvador panelo na tuloy pa rin ang quo warranto petition kahit na tinanggap na ng Pangulo ang paumanhin ng Kapamilya network.

Source: SMNI | Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén