Local News

ABS-CBN, Itinanggi na Nanunuhol sila ng P200 Million Kapalit ng Franchise Bill Vote!

Pinabulaanan ng Kapamilya network ang naging pahayag ng isang mambabatas. Ayon sa ABS-CBN, hindi sila nagpadala ng emisaryo para manuhol kapalit ng boto para sa prangkisa ng istasyon.

“ABS-CBN did not send an emissary to bribe any lawmaker to vote in favor of our franchise application. We believe in the process and we have participated in the process. We answered all issues raised in the past 12 hearings,” sabi ng Kapamilya network.

Magugunita na kaninang umaga ay sinabi ni ACT-CIS Partylist Congressman Eric Yap na may kumausap sa kanya at nag-alok ng P200 million kapalit ng pagboto pabor sa ABS-CBN franchise. Ang kumusap daw sa kanya ay nagpakilalang emisaryo ng istasyon.

“More than two weeks ago, may tumawag sa atin, nagpakilalang emisaryo ng ABS CBN at hinihimok tayong bumoto pabor sa ABS CBN kapalit ng 200 Million pesos. Simple lang ang sagot ko, hindi for sale ang prinsipyo at boto ko. Nilabas ko ba sa media? Hindi. Dahil hindi tayo sigurado kung emisaryo nga ng ABS CBN yun at unfair naman na malalagay sa alanganin ang pangalan ng ABS CBN dahil sa kanya at unfair din maging sa proceedings ng Joint Committee na tumatalakay sa issue ng prangkisa nila. May nadinig tayo na iba pang kaso gaya nito pero hindi natin nilabas dahil hindi din verified ang mga information na yun.” sabi ni Cong. Yap.

Source: News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: