Local News

ABS-CBN, Malulugi ng P35 Million kada Araw!

Sa petisyon na inihain ng ABS-CBN sa Korte Suprema nitong ika-7 ng Mayo, sinabi ng Kapamilya network na aabot sa P1 bilyon kada buwan ang malulugi sa kanilang istasyon dahil sa kawalan ng kita sa mga patalastas.

Posible din daw na lumaki ang utang nito at hindi mabayaran kung amgtutuloy-tuloy ang shutdown.

“Because of the CDO (cease and desist order), ABS-CBN will not be able to service its debts, and this would constrain its creditors to require collateral for its loans… ABS-CBN has, in fact, already received a notice from a bank demanding such collateral. Its credit lines and letters of credit had already been adversely affected, thereby seriously hampering activities which require such financing,” sabi ng Kapamilya network.

Magugunita na nitong ika-5 ng Mayo ay naglabas ng direktiba ang National Telecommunications Commission (NTC) para pahintuin ang ABS-CBN sa kanilang pagbo-broadcast.

Matatandaang naman na ilang araw bago ilabas ng NTC ang kautusan nito ay nag-warning si Solicitor General Jose Calida sa mga opisyales ng ahensiya. Ayon kay SolGen Calida, mahaharap ang mga ito sa kaso kung bibigyan nng provisional authority to operate ang ABS-CBN kahit wala pang prangkisa.

“The NTC commissioners risk subjecting themselves to prosecution under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act should they issue the unlawful PAs (provisional authorities) to ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence in the absence of franchise,” warning ni Solicitor General Calida.

Ang ABS-CBN ay ilang beses pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa Presidente, haharangin daw niya ang prangkisa ng istasyon. Ilan sa mga rason ng Pangulo ay ang hindi pag-e-ere ng kanyang campaign ads noong 2016 presidential elections. Hindi rin nagustuhan ng Pangulo ang pagpapalabas ng Kapamilya network ng black propaganda sa kanya ni former senator Antonio Trillanes IV kung saan mga bata pa ang piangsasalita laban sa noo’y alkalde ng Davao.

Source: Archive | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: