Local News

ABS-CBN, Mapipilitan Itigil ang Operasyon kung Hindi Mabibigyan sa Susunod na Taon ng Prangkisa!

Ayon kay House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez, walang nakatakdang pagdinig ang kanyang panel hanggang mag-adjourn ang kongreso sa Disyembre 20 para sa Christmas break.

Hindi rin makapagbigay ng katiyakan si House Speaker Alan Peter Cayetano upang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Depende sa kalalabasan ng hearing. I cannot preempt the committee or the issues that will be taken,” sabi ni House Speaker Cayetano.

Para kay House Speaker, pagtutuunan muna daw nila ng pansin ang budget sa susunod na taon.

“Alam din ito ng management ng ABS-CBN na uunahin namin ang budget at tsaka mga revenue bills, pero we have more than enough time to tackle it in January, February dahil March pa naman ‘yung expiration ng franchise,” paliwanag ni House Speaker Cayetano.

Sa isang panayam, sinabi kamakailan lang din ni House Speaker Cayetano na mayroon siyang personal na pagtutol sa franchise renewal ng istasyon.

“People like me, I also have some objections [about the extension]. I’ll tell you, this is my personal [opinion], okay?… On one hand I feel that we have to protect the freedom of the press and freedom of expression; on the other hand I feel that there’s certain instances in history, and in the 2016 election, that some sectors or leaders of ABS interfered unjustly… we will find a conclusion that is acceptable to everyone but will be good for the country,” ani House Speaker Cayetano.

Nitong Disyembre 3 lang ay nagbanta muli si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ABS-CBN na sisiguraduhin niya na hindi mabibigyan ng bagong prankisa ang ABS-CBN.

“Ikaw, ABS-CBN, you’re a mouthpiece of… Ang inyong franchise, mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan, I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out. Ilan kaming mga kandidato na kinuha ninyo ang pera namin but never aired our propaganda. Ako, Chiz Escudero, lahat kami. Pero ‘yung propaganda ni Trillanes portraying children and which was really a prohibited act under the rules of the Election Code in spite of the fact na may TRO na huwag ninyong ipalabas, pinalabas ninyo,” banat ni Pangulong Duterte.

Source: CNN Philippines | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén