Local News

ABS-CBN, may 19 Labor Cases! Nasaan kayo nung Inabuso ang mga Empleyado? – Radio Host

Hindi napigilan kahapon ng Kapamilya actor na si Coco Martin na maglabas ng sama ng loob matapos magbigay ng direktiba ang National Telecommunication Commission (NTC) sa kanyang network na tumigil sa pagbo-broadcast. Ilan sa mga ipinunto ni Martin ay ang mga maliliit na empleyado na mawawalan ng hanap-buhay.

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan?

Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!

TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!” sabi ni Martin.

Ang patutsada naman na ito ni Martin ay hindi pinalampas ng radio host na si Mark Lopez. Ipinaalala ni Lopez sa aktor ang mga labor cases na mayroon ang istasyon nito.

“Matagal nang may labor problem ang ABS CBN. Madami na silang empleyado na inagrabyado, inabuso, at ininsulto. Meron sila 19 labor cases na pending since 2010. Wala pang hustisya sila nakuha hanggang ngayon. Nasan kayo noon, Cardo?” resbak ni Lopez.

Si Martin ay lumalabas sa sikat na TV series na “Ang Probinsyano” kung saan gumaganap siya bilang si Cardo Dalisay.

Source: Mark Lopez | Coco Martin’s Instagram Account | Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: