Local News

ABS-CBN, Nagpasa ba ng Pekeng Land Title sa Kongreso? Cong. Marcoleta, may Binunyag!

Kinuwestiyon ni Congressman Rodante Marcoleta ang titulo ng lupa na ipinasa ng ABS-CBN sa kongreso kamakailan lang.

Ayon sa mambabatas, magkaiba daw ang land title na isinumite ng Kapamilya network kumpara sa titulo ng lupa na mayroon ang register of deeds ng Quezon City.

“Nagtaka po ako bakit ang naibigay po sa akin ay owners duplicate certificate, ang inaasahan ko kasi na makukuha ko ay isang original copy which is written on the left side of the title itself. Ibig sabihin nito, ang titulong iipinadala sa atin, ‘yung 105702, doesn’t appear in the registry file in the register of deeds. It is not extant, meaning to say it is not there. Kasi kung ‘yun ay nandoon, ang nakuha ko sana ay original copy, hindi po ang owner’s duplicate copy kagaya na naibigay sa atin,” sabi ni Congressman Marcoleta.

Ang ABS-CBN ay nahaharap ngayon sa matinding problema kaugnay sa kanilang pasong prangkisa. Magugunita na noong unang bahagi ng Mayo ay naglabas ng kautusan ang National Telecommunication Commission (NTC) para patigilin ang ABS-CBN sa kanilang broadcast. Kamakailan lang ay nagbigay na rin ang NTC ng direktiba sa Kapamilya network para ihinto ang pagpapalabas ng kanilang programa sa TV Plus at Sky Direct!

Ngayon ay dinidinig sa kongreso ang legislativve franchise bill ng istasyon pero sari-saring isyu ang lumalabas laban sa network giant. Mula sa paglabag sa labor law hanggang sa tax avoidance scheme na ginagawa ng kumpanya para mapababa ng husto ang buwis na kanilang binabayaran.

Source: The Young Observer | Thinking Pinoy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: