Local News

ABS-CBN, Nanawagan sa Pilipino na Ibalik sila sa Ere Matapos Ibunyag ni Rep. Marcoleta ang Kasalanan nila!

Matapos ibunyag ni Congressman Rodante Marcoleta ang mga diumao’y kabalastugan ng ABS-CBN sa kongreso, nananawagan ngayong ang Kapamilya network sa kanilang mga supporters na magsama-sama para ipanawagana ng pagbabalik ng ABS-CBN sa ere.

“Hindi lamang 11,000 na mga empleyado at ang kanilang mga pamilya ang apektado sa shutdown ng ABS-CBN. Apektado rin ang milyon-milyong Pilipino na sa ABS-CBN lamang umaasa para sa balita at entertainment ngayong panahon ng pandemya.

Sama-sama nating ipanawagan na ibalik ang ABS-CBN para patuloy kaming makapaglingkod sa inyo. Para ipakita ang inyong suporta, i-click lang ang #IbalikAngABSCBN button na makikita sa inyong paboritong ABS-CBN websites,” sabi sa social media page ng istasyon.

Sa kanyang pagsasalita sa mababang kapulungan, hinimay ni Congressman Marcoleta ang mga pagkakasala ng ABS-CBN sa mga empleyado nito at pati sa gobyerno. Isa sa mga tumatak sa kanyang pagbubunyag ay ang tax avoidance scheme ng Kapamilya network.

“ABS-CBN also violated the terms and conditions of its franchise by engaging in tax avoidance schemes which depreived the government of the much needed revenue. It used its fully owned subsidiary, Big Deeper Digital Content and Design Inc., a PEZA registered as tax shield. Its main customer is ABS-CBN hungary. And because of this tax avoidance shceme, ABS-CBN alleged effective tax rate in 2018 was at negative 5 percent. This means that ABS-CBN manage to avoid paying taxes in 2018… Bakit ang GMA 7 na hindi kasing laki o kasing yaman ng ABS-CBN ay nakapagbayad ng buwis sa pamahalaan ng P1.6 billion noong 2018. Samanatalang ang ABS-CBN ay walang binayarang buwis. Bakit naman nakalibre ang ABS-CBN noong 2018 sa negative income tax nila na 84 million. Ibig sabihin nito ay may tax credit ang ABS-CBN at gobyerno pa ang lumalabas na may utang dito. Wala po itong pagkakaiba sa isang taong umutang sa tindahan at binigyan pa ng sukli,” pagbubunyag ni Marcoleta.

Source: SMNI | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén