Local News

ABS-CBN, Papaimbestigahan sa Ombudsman? PDU30, Gumawa na ng Bagong Hakbang?

Sa kaniyang public address, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagan ng makapag-operate ang ABS-CBN kahit na raw mabigyan ito ng prangkisa ng kongreso.

“Now ito ngayon sa last. Itong nangyari sa itong mga Lopez of Companies. Ang Congress is planning to restore the franchise of the Lopez. Wala akong problema doon kung i-restore ninyo. But if you say that if they can operate kung may — may ano na sila, no, I will not allow them.

I will not allow the NTC to grant them the permit to operate. Kung ibigay ninyo ‘yung franchise because it is within your power to do it, go ahead. Alam mo bakit? Unless and until mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will not — I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate. Kalokohan ‘yan.

Parang binigyan mo sila ng prize for their being — for committing criminal acts. Iyong — ito ‘yung pinagbili ng ano, pinagbili ng Lopez iyong Lopez of Companies kasi maraming utang. So binili nila na lahat — pati ‘yung mga utang, pinagbili ng Lopez doon sa DBP.” sabi ni Pangulong Duterte.

Ngayong araw ay kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gumawa na raw ng hakbang si Pangulong Duterte para paimbestigahan ang istasyon.

“Ni-refer na po ng Presidente ang bagay na ito sa Ombudsman… Ombudsman na po ang bahala sa cause of action for violation of our Anti-Graft law,” sabi ni Roque.

Source: GMA News | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén