Local News

ABS-CBN, Umamin na Hindi nila Pinalabas ang P7 Milyong Campaign Ads ni PDU30!

Sa isinasagawang pagdinig sa senado patungkol sa prangkisa ng ABS-CBN, humingi ng paumanhin ang isa sa pinakamataas na opisyal ng Kapamilya network kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Umamin din ito na hindi nila naipalabas ang campaign advertisement ni Pangulong Duterte na nagkakahalaga ng P7 million.

“We were sorry if we offended the President. That was not the intention of the network,” sabi ni ABS-CBN Corporation President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak.

“We felt that we were just abiding by the laws and regulation that surround the airing of political ads,” ani Katigbak.

Ayon pa kay Katigbak, wala daw political agenda sa nangyari.

“Today, we want to make a categorical statement together with our chairman Mark Lopez that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,” dagdag pa ng opisyal ng ABS-CBN.

Magugunita na ilang beses nagbanta si Pangulong Duterte na hahadlangan niya ang franchise renewal ng ABS-CBN at isa sa mga rason ay ang hindi pag-e-ere ng media giant ng kanyang campaign ads kahit na tinanggap ng Kapamilya network ang bayad niya. Hindi rin pinalampas ni Pangulong Duterte ang pinalabas na anti-duterte black propaganda sa ABS-CBN kung saan mga kabataan pa ang pinagsasalita laban sa kanya. Ang naturang patalastas ay pinondohan ni former senator Antonio Trillanes.

“Today, we want to make a categorical statement together with our chairman Mark Lopez that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,” dagdag pa ng opisyal ng ABS-CBN.

Source: GMA News | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: