Local News

ABS-CBN Franchise Renewal Bill, Inihain na ni Congresswoman Vilma Santos!

Isinumite na ni Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ang house bill 8298 na naglalayon na mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN para sa susunod na 25 na taon.

Magugunita na ipinasura ang franchise application ng Kapamilya Network noong 2020 sa ilalim ng liderato ni former House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa mga isinagawa dating mga pagdinig laban sa ABS-CBN, lumabas ang ilang paglabag at mga isyu sa Kapamilya network. Ilan samga ito ay ang unfair labor practives, tax avoidance scheme, ang isyu sa black box at marami pang iba.

Magugunita rin na ilang beses pinagbantaan ni Pangulong Duterte ang istasyon na haharangin niya ang franchise renewal nito. Ilan sa mga rason dati ng Presidente ay ang hindi pagpapalabas ng kaniyang campaign advertisement noong 2016 presidential elections at ang pagpapalabas naman ng anti-DU30 commercial ni former senator Antonio Trillanes.

Source: PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén