Local News

ABS-CBN Reporter Doris Bigornia, Inatake sa Puso! Journalist, Sasailalim sa Operasyon!

Ikinabigla ng mga tao sa social media ang nangyari sa journalist ng ABS-CBN na si Doris Bigornia matapos itong magkaroon ng problema sa kaniyang puso. Sa isang social media post, malungkot na ipinaalam ng isa sa mga kasamahan ni Bigornia sa ABS-CBN ang sinapit ng mamamahayag.

Ayon kay Alwin Elchico, kailangang sumailalim sa operasyon si Bigornia na ngayo’y inoobserbahang mabuti ng mga doktor.

“Bago po tayo mag-umpisa dahil marami po kasi ang nagtatanong so, nagpaalam po ako sa pamilya ni Mutya ng Masa Doris Bigornia na sabihin po sa inyo, pinapasabi lang po, ang Mutya ng Masa, siya po’y inatake sa puso noong Linggo, papuntang Lunes… Siya po’y inatake sa puso noong Linggo, papuntang Lunes. Siya po’y sinugod sa ospital at ngayon po’y nasa ICU [intensive care unit]. Ka-kaailanganin po ng open-heart surgery. So ang pamilya po ay humihingi po ng panalangin.” ani Elchico.

Inudyukan naman ng kapwa ABS-CBN na si MJ Felipe ang mga Pilipino na ipagpanalangin ang kanyang kaibigan na naging kontrobersiyal din noon.

Magugunita na nasangkot sa ilang isyu si Bigornia dahil sa mga kaalitan nito. Nakaraan lang ay binalaan si Bigornia ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago dahil umano sa masamang ugali na ipinapakita nito. Ayon kay Pialago noon, maghahain siya ng reklamo laban kay Bigornia.

“Remember the day, when you begged and asked for forgiveness in Mario’s Restaurant. Asking me to withdraw my case against you. Ang bait bait mo nun, umiyak ka at nagmakaawa. Naghanap ka ng padrino para makausap ako. Tinrato kitang tao. Ang pakiusap ko lang sayo. Tama na Mam, basta tama na kamalditahan mo.“ sabi ni Pialago noon.

“This time hindi kita papalagpasin. Kung meron akong pagsisisi ngayong 2020, yun ay yung pinatawad pa kita. Demonyo kang reporter ka,” dagdag pa ni Pialago.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén