Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

ABS-CBN Reporter Doris Bigornia, Sinaktan at Sinigawan umano ang MMDA Official?

Inereklamo ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago ang reporter ng ABS-CBN na si Doris Birgonia sa istasyon na pinagtatrabahuan nito.

Nagpadala na ng formal letter of complaint ang official ng MMDA kay ABS-CBN News and Current Affairs Division Head Ging Reyes para isumbong ang naturang reporter dahil umano sa paninira at pananakit sa kanya.

Nangyari umano ang insidente sa isang fire drill sa Makati City Hall. Hindi raw sadyang nabangga ni Pialago si Bigornia at dito na daw siya sinaktan ng reporter at sinigaw-sigawan ng reporter ng ABS-CBN.

Inilahad din ng MMDA official na siniraan pa siya ni Bigornia at ipinagkakalat na siya ay retokada.

Sa isang pagpupulong noong August 6 ay nagharap ang dalawa. Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na nagka-ayos na ang reporter at ang opisyal ng MMDA. Pero nalaman daw ni Pialago ang sinabi umano ni Bigornia na hindi daw ito makikipagbati sa isang “unethical person”.

Ang inasal daw na ito ni Bigornia ang naging mitsa para magpadala si Pialago ng reklamo sa head ng News & Current Affairs Division ng ABS-CBN. Nagtataka pa rin daw si Pialago sa naging pag-uugali laban sa kanya ni Bigornia.

Nangako naman si Reyes na papaimbestigahan ang insidente. Ayon sa head ng News & Current Affairs Division ng ABS-CBN, hindi daw hinahayaan ng pamunuan ng istasyon ang ganoong uri ng asal sa kanilang mga empleyado.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa alitan ng dalawa.

“Ito yung blind item kahapon nina Arnold Clavio sa DZBB. Tama ang hula ko kung sino ang dalawang involve,” sabi ni E. Michael

“Patawarin nyo na, alam nyo nmn sinasabi nyo nga seƱor citizen na reporter na. Di n niya alam ginagawa niya ,” sabi ni D. Umpay

“These reporters/journos who mostly are feeling entitled and above the rest need to be brought down to where they belong: the trash can. They fail to realize that in the face of socmed and the empowerment it brings to the people, they are becoming increasingly expendable and irrelevant!” sabi ni J. James

Source: PEP.ph

Leave a Reply

Theme by Anders Norén