Local News

ABS-CBN Star Coco Martin, Binubuhusan ng Tubig ang mga Pagod na Crew ayon kay Robin Padilla

Mukhang hindi na talaga mapipigil ang aktor na si Robin Padilla sa pagbanat sa pinagagagawa ng ABS-CBN at sa mga talents nito.

Sa kanyang social media account, inakusahan ni Padilla ang isa sa pinaka-sikat na talent ng ABS-CBN na nambubuhos daw ng tubig sa mga crew na nakakatulog dahil sa sobrang pagod.

“Napakarami ko pong pelikula na nagawa ko na ito nagkataon lang na wala akong ganang mag pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera matagal na pong practice yan natutunan lang po yan ni direk coco sa mga naunang action stars siguro po mainam sabihin niyo po kay direk coco na wag bubuhusan ng tubig yun mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae, Si John Loyd po ay isa sa mga artista ng ABSCBN na katulad ko ay ayaw na gumawa,” sabi ni Padilla sa isang netizen.

Matatandaang nagkaroon ng ulat tungkol sa buhusan na nangyayari sa set ng ‘Ang Probinsyano’. Sa artikulo ng Abanete Tonite na may pamagat na “Coco Martin pinagtripang buhusan ng tubig ang mga talent?” noong 2018, sinabi ng isang source na nagpapahinga raw ang mga talents dahil sobrang pagod at maya-maya raw ay lumapit si Coco at binuhusan umano ang mga ito ng tubig.

Nang kunan ng pahayag ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ang kampo ni Coco Martin, sinabi nila na isa lamang biro ang mga ginagawang buhusan ng tubig sa set.

“Coco does not maltreat his staff and crew. Yung buhos tubig ay matagal na nilang laro sa mga teleseryes niya. Kapag napa-pack [up] ang taping, buhusan ng tubig ang katuwaan nila. Sinisiguro niya na may pagkakakitaan ang mga crew kapag natatapos ang programa. Katulad ng 12 crew na binigyan niya ng pedicab at panghanapbuhay Halimbawa yung Scarface dating crew niya binigyan niya ng pagkakataong maging artista,” ayon sa kampo ni Martin.

Source: Robin Padilla | PEP | Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén