Local News

ABS-CBN Star Kathryn Bernardo, Hinikayat ang mga Kabataan na Huwag Matakot!

Talagang hindi na papaawat ang mga artista ng ABS-CBN sa kanilang mga saloobin matapos utusan ng National Telecommunication Commission (NTC) ang Kapamilya network na huminto sa pag-ere.

Una sa mga talent ng istasyon na angsalita ay sina Coco Martin at Kim Chiu. Pero imbes na makahikayat ng tao sa kanilang ipinaglalaban ay batikos pa ang inanbot ng mga ito.

Ngayon ay nagsalita naman si Kathryn Bernardo tungkol sa isyung kinakaharap ng kanyang kumpanya. Nanghihikayat ang aktres samga kabataan na huwag daw matakot at ibulalas ang mga kani-kanilang saloobin.

“Sa mga kabataan, sana huwag kayong matakot. Kasi kagaya niyo rin ako, natakot ako. Pero kung hindi kasi tayo magsasalita ngayon, sino? Tayo ‘yung magmamana ng Pilipinas, kaya may karapatan tayo,” boladas ni Bernardo.

Nagsimula ang kalbaryo ng ABS-CBN nang hindi nito inere ang campaign ads ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016 Presidential elections. Simula noon ay nagbanta na si Pangulong Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng istasyon. Kamakailan ay naging mas malambot na ang Presidente sa isyu ng Kapamilya network. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry ROque, neutral na daw ang Pangulong pagdating sa prangkisa ng istasyon.

Narito po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga sinabi ni Bernardo.

“Bakit pati mga anak namin hinihikayat nyo sa walang kwentang pag aklas….alam mo ineng problema nyo lang yan wag nyong isama ang mga kabataan na nananahimik sa knilang mga tahanan para kayong npa sa ginagawa nyo,” – P. Hami.

“Waģ na po impluwensyahan ang mga anak nmin dhil naturuan na nmin cla ng mabuting asal…ayoko ko matulad ang kabataan sa teacher na nahuli ng NBI dhil sa pagiging iresponsable sa pagpost sa social media.”
– Y. Gabunal

“Wow naglabasan na cla!!!mga utoy at ineng magtanung muna kau sa mga boss nyu kung bakit kau pinasara bago kau mag file ng case sa korte at wag kau manghikayat ng mga tao na samahan kau at di nyu namn cla binubuhay sa mga kita nyu at wag kau manumbat sa fans nyu kung di kau suportahan dahil wala cla utang na loob sa inyo..kau ang may mga utang na loob sa kanila,” – M. Rubio

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: