Local News

ABS-CBN Supporter, Binastos ang Nanay na Kongresista Matapos Bumoto laban sa Franchise ng Kapamilya Network!

Viral ngayon ang anak ni Malabon Congresswoman Jay Lacson-Noel na si Kito Noel dahil sa pinagsasabin nito sa kanyang social media account.

Binanatan kasi ni Kito ang nanay niyang kongresista dahil sa pagboto para hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Patutsada ni Kito, pasista daw ang kanyang ina.

“damn my mom really voted for the terror bill AND for denial of franchise renewal for ABS-CBN? Pick a struggle and go you fascist,” sabi ni Kito.

Sa hiwalay pang post ni Kito, sinabihan niya ang mga kababayan niya sa Malabon na huwag iboto ang kaniyang ina dahil sa pagiging duwag.

Pero imbes na kundinahin ni ABS-CBN radio host Ogie Diaz ang kalapastanganan ng bata, kinunsinti pa. Ayon kay Diaz, kahit daw walang utang na loob si Kito ay humahanga siya dito.

“Saludo sa batang ito. Sabihin mo nang walang utang na loob na anak pero mas nangingibabaw yung paghanga mo sa batang ito na ginagamit ang utak at puso kumpara sa…” boladas ni Diaz.

Source: Ogie Diaz | Archive | Politiko | Tribune | Archive | Manila Standard | Daily Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: