Local News

ABS-CBN, Umamin na may Pagkakamali at Itatama na daw nila ang Pagkukulang!

Sa isang pahayag, umamin si ABS-CBN CEO and president Carlo Katigbak na may mga naging pagkukulang ang media network at handa daw ang kumpanya na itama ang mga pagkakamali nito. Ayon pa kay Katigbak, walang rason para alisin sa ere ang ABS-CBN.

“Serbisyo po ang layunin ng ABS-CBN. Ngunit kami po ay hindi perpekto. Nagkakamali din po kami at handa po naming itama ang anumang pagkukulang… Wala po kaming nakikitang dahilan para hindi magtuloy ang paglilingkod ng ating ABS-CBN. Gayun pa man, kami ay handang sumunod sa anumang proseso na dapat pagdaanan ayon sa batas,” sabi ni Katigbak .

Ito ang kauna-unahang pahayag ni Katigbak mula noong maghain si Solicitor Genral Jose Calida ng quo warranto petition sa Korte Suprema upang ibasura ang prangkisa ng media giant. Ayon sa opisina ni SolGen Calida, nakitaan nila ng paglabag at pang-aabuso ang ABS-CBN sa prangkisa nito.

“Sa aming mga mambabatas, nasa inyong kamay po ang kinabukasan ng ABS-CBN. Nagtitiwala po kami sa sinasabi ninyo na mabibigyan kami ng pagkakataong sagutin ang mga katanungan ng mga mamamayan,” dagdag pa ni Katigbak .

Sa ngayo’y mayroon ng lagpas sampung panukalang batas na nakahain sa kongreso na layong palawigin ang prangkisa ng media giant. Hanggang ngayon ay walang pang nakatakdang pagdinig ukol dito.

Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte naman ay ilang beses ng nagbabala na bubutatain niya ang renewal ng prangkisa ng istasyon. Ilan sa mga rason ni Pangulong Duterte ay ang hindi pag-e-ere ng ABS-CBN ng kanyang political advertisement kahit daw tinanggap ng kumapanya ang kanyang bayad. Inalmahan din ni Pangulong Duterte ang pag-ere ng black propaganda sa kanya noong 2016 elections kung saan ilang bata ang nagsasalita laban sa kanya. Ang nasabing patalastas ay pinondohan ni dating senador Antonio Trillanes.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén