Local News

Panoorin: Abusadong Pulis, Nanutok ng Baril at Naglabas ng Shotgun sa Gitna ng Kalye!

Kahit pilit pinapaganda ng gobyerno ang imahe ng hanay ng kapulisan, mayroon talagang mga abusadong pulis na sumisira sa pagsisikap ng pamahalaan.

Nakunan sa dashcam ang ginawang panunutok ng pulis ng baril sa isang motorista sa gitna ng kalsada. Hindi pa nakuntento ang pulis at naglabas pa ng shotgun para takutin ang sibilyan.

Nakilala ang pulis na si Police Master Sergeant Wilson Aquino na nakatalaga sa Tactical Motorized Reaction Unit ng Quezon City Police Station 3.

Dumulog sa tanggapan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar si Robert, ang tinakot ni Aquino at may-ari ng dashcam, para isumbong ang ginawa ng pulis.

Paliwanag ni Eleazar dapat bigyan ng kurtisiya ang mga official convoy kung markado ang mga sasakyan, pero sa ang gamit ni Aquino at ng mga kasamahan nito ay mga pribadong sasakyan. Dahil dito at sa sa naging asal ni Aquino, sinibak ito ni Eleazar.

“Clearly, nakita natin ang pagkakamali ng pulis natin doon. You know, ang ating pulis, we are here to serve and protect. Not to intimidate or threaten our citizens. I am relieving Police Master Sergeant Wilson Aquino from QCPD,” pahayg ni NCRPO Chief Eleazar.

Nanawagan si Eleazar sa mga kababayan natin na huwag matakot at isumbong ang mga abusadong pulis.

Natuklasan din na naka-leave pala si Aquino nang manutok ito ng baril.

Mahaharap si Aquino sa kasong kriminal at administratibo. Inaalam pa ng otoridad kung sino-sino ang mga kasama nito.

Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natins a inasta ng pulis.

“Sibakin na yan para di tularan?
Like sa mga gustong tangalin ang mga yan sa pagkapulis dinoble ang sahod niyo ni president duterte para maglingkod kayo ng maayos pero lalo kayong yumayabang yung iba dyan police teachers kapitan mayor congressaman concilors nag loan na kinuha na ng nauna ang sahod nila for almost 0ne years two years kaya yung iba dina inaayos trabaho nila kasi nauna at kinukuha ang sahod bila sa loan kaya wala ng gana mag trabaho puro nalang yabang.pwee,”
sabi ni S. Oliver.

“Tanggalin na yan d nya deserve maging pulis kayayabang kaya d kayo ginagalang nadadawit pa inosente at matitinong pulis sa gawa nyo,” sabi ni J. Pabustan.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén