Local News

Aerial View ng Oust DU30 Rally ngayong Feb 22!

Nagsagawa ang grupong bunyog ng kilos-protesta upang ipinawagan ang pagbibitiw ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa pwesto.

Ipinakita naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang aerial view ng nasabing pagtitipon sa kanilang social media account. Ang larawan ay kinunan ng bandang 5:40 ng hapon sa People Power Monument.

Ang naturang protesta ay pahapyaw pa lang para sa nalalapit na 34th EDSA revolution anniversary.

Magugunita na binanggit na ni Atty. Larry Gadon na lalangawin alang ang gagawing pagkilos. Ayon kay Atty. Gadon, kaunti lang ang naniniwala sa ipinaglalaban ng grupo. Nilinaw pa ni Atty. Gadon, mulat na raw ang taumbayan sa nangyayari sa lipunan. Buwelta pa ni Atty. Gadon, ang mga dadalo lang daw sa nasabing pagtitipon ay mga bayaran at mga makakaliwa.

Dumistansiya naman si VP Leni Robredo sa naturang pagkilos.

“Hayagan ko pong sinasabi: Hindi ako bahagi ng anumang panawagang bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte. Ang panawagan ko lang, sana gawin nating lahat ang trabaho natin bilang mga lingkod-bayan,” pahayag ni Robredo.

Narito naman po ang ilan pang larawan na galing gsa mga netizens.

Source: MMDA | CNN Philippines | RMN | VOV Ph

Leave a Reply

Theme by Anders Norén