Local News

Agriculture Secretary, Nagbigay ng Courtesy Resignation kay Pres. Duterte!

Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi umano ni Senator-elect Bong Go na nagbigay daw si Department of Agriculture Secretary Manny Piñol ng courtesy resignation kay Presidente Rodrigo Duterte.

Base sa ulat ng ABS-CBN News noong Hunyo 25, isinailalim umano sa review ang panantili ni Piñol sa gabinete ni Pangulong Duterte matapos maging laman ng head lines sa naging tugon nito sa banggaan sa West Philippine Sea sa pagitan ng mga Pilipinong Mangingisda at mga Intsik.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala daw sinabi sa kanya si Presidente Duterte na balak palitan si Piñol.

“I have not received any word on that… Wala naman siya binabanggit,” sabi ni Panelo.

Sinabi din ni Panelo, mukhang masaya naman daw si Pangulong Duterte sa peroformance ni Piñol.

“I think so. Wala naman siyang sinasabi sa amin na di siya happy.,” dagdag pa ni Panelo.

Base sa isang source, maaaring ilipat daw si Piñol sa Mindanao Development Authority (MinDA).

Si Piñol ay kinumpirma ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na walang sabit sa korapsyon matapos ang pitong buwang imbestigasyon.

Source: GMA News | ABS-CBN | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén