Local News

“Ako ang Aayos kung ‘Di Niyo Aayusin” PDU30 Nagbanta sa Kongreso!

Sa kanyang pinakahuling public address, binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kongreso na ipasa ng naaayon sa batas ang pondo ng bayan para sa susunod na taon. Nagbanta ang Pangulong Duterte na siya ang aayos lulutas ng problema kung hindi inayos ng mababang kapulungan ang nasabing pondo. Nagpasaring din ang Pangulong patungkol sa mga nag-aagawan sa liderato ng kamara. Naiipit kasi ang budget para sa ssusunod na taon dahil sa sigalot ng magkabilang kampo. Sa nasabing pondo nakapaloob ang panggastos ng gobyerno malabanan ang covid-19 pandemic.

“I am just, you know, appealing to you. Iyong upo nila dito, hindi sabihin na may balak ako. Gusto ko lang sabihin in one straight statement: Either you resolve the issue sa impasse ninyo diyan and pass the budget legally and constitutionally, ‘pag hindi ninyo ginawa, ako ang gagawa para sa inyo.

Hindi ako nananakot, wala akong ambisyon manakot, wala rin akong ambisyon na tatagal dito sa puwestong p****** i**** ‘to na puro problema. Wala akong ano — wala akong hangarin. Basta sinasabi ko lang, if you do not solve the problem, then I will solve the problem for you.

Mamili kayo, either we have a — the positive development na maligayahan iyong tao, iyong amo natin — iyong amo natin palagi naka sa huli iyan. Mamaya na iyang amo natin, mamamatay na muna iyan o mabubuhay iyan, medisina lang iyan, tapos nakakalimutan natin. We always forget that there is something more higher than just delaying or maneuvering in Congress because everybody wants to be Speaker.

I am not going to give a timeline. Hindi — mga diktador lang gumagawa ng ganoon. Gusto ko na ayusin ninyo, if and when I see that there will be a delay and it will result in the derailment of government service, I will, I said, solve the problem for you,”
banat ni Pangulong Duterte.

Source: PCOO | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: