Local News

“Ako ang Berdugo sa mga Tulfo” Ben, may Mensahe ba kay Billy Jack Sanchez?

Sa kaniyang programa, nagsalita na ang radio personality na si Ben Tulfo tungkol sa pagmumura sa kanila ng isang indibiduwal. Banat ni Ben, siya raw ang berdugo ng mga Tulfo at kaya niyang kumasa sa mga hamon.

“Mensahse lang sa susubok na kantihin ang sinuman sa amin. Si Erwin man iyan, Ben, o si Raffy. Simple lang ang sagot namin dito. Wala naman problema diyan kung kayo ay nagmumura. Pero ‘pag si Ben ang nakapansin, titignan lang ng maigi at susuriin ang mga taong nagmumura sa amin. Pero ‘pag ayaw tumigil, may kalalagyan ka kid. Iba si Ben Tulfo, binabangga namin ang mga halang sa bituka, may videos kami niyan… Ibig sabihin marunong sumabak sa kaguluhan, eh kung mura-mura lang, papakain ko sa iyo ang mura mo o sasalpakan kita ng tsinelas sa bibig,” banat ni Ben.

Hindi pinangalanan ni Ben ang kaniyang tinutukoy pero magugunita na pinagmumura ni Billy Jack Sanchez ang kapatid ni Ben na si Erwin Tulfo. Hindi kasi nagustuhan ni Sanchez ang pag-ungkat ni Erwin sa lumang video kung saan hinuhuli siya ng kapulisan.

Si Sanchez ang rider na nag-viral dahil sa pakikipagtalo sa traffic enforcer. Sa viral video, mapapanood si Sanchez na nag-i-ingles habang nakikipagtalo sa enforcer. Pinagpipilitan din niya na wala siyang nilabag sa batas trapiko dahil ang kaniyang angkas ang walang helmet.

Source: Bitag

Leave a Reply

Theme by Anders Norén