Local News

‘Ako ang Katapat mo!’ Billy Jack Sanchez, Niresbakan si Ben Tulfo!

Nagsalita na si Ben Tulfo kamakailan tungkol sa isang indibiduwal na nagmumura sa kanilang magkakapatid. Hindi ito pinangalanan ni Tulfo pero nag-iwan ito ng matinding babala.

“Mensahse lang sa susubok na kantihin ang sinuman sa amin. Si Erwin man iyan, Ben, o si Raffy. Simple lang ang sagot namin dito. Wala naman problema diyan kung kayo ay nagmumura. Pero ‘pag si Ben ang nakapansin, titignan lang ng maigi at susuriin ang mga taong nagmumura sa amin. Pero ‘pag ayaw tumigil, may kalalagyan ka kid. Iba si Ben Tulfo, binabangga namin ang mga halang sa bituka, may videos kami niyan… Ibig sabihin marunong sumabak sa kaguluhan, eh kung mura-mura lang, papakain ko sa iyo ang mura mo o sasalpakan kita ng tsinelas sa bibig,” banat ni Ben.

Ang mga pahayag na ito ni Tulfo ay sinagot naman ni Billy Jack Sanchez.

“HINDI KA BERDUGO BEN TULFO, AKO ANG KATAPAT MO AT DI KA MALAKI SA GOBYERNO! WAG MONG BOLAHIN ANG SARILI MO HALATANG MAS MALAKAS PA ANG SIRA NG ULO MO ILLUSIONADO! TAMA NA ANG ABUSADO NANDITO AKO PARA SA PAG BABAGO! KUNG IKAW AY EDUKADO BEN TULFO PATUNAYAN MO HINDI YUNG PINAPAKITA MO NA IKAW AY BASTARDO!” buwelta ni Sanchez.

Si Sanchez ay sumikat kamakailan dahil sa video kung saan nakita itong nakikipag-away sa traffice enforcer.

Matapos mag-viral ang video ni Sanchez, ipinakita naman ni Erwin Tulfo ang isang lumang video kung saan hinuhuli ng otoridad si Sanchez. Ito ang naging dahilan ng alitan ng dalawang panig.

Source: Billy Jack Sanchez | Billy Jack Sanchez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén