Local News

“Ako ang Magiging Bangungot mo, ‘Pag Tumakbo kang Presidente” DU30, Binalaan si Leni

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Roa DUterte kay Vice President Leni Robredo kung sakali itong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022. Ayon sa Punong Ehekutibo, may mga nirereserba na siyang mga bala laban kay Robredo at siya daw ang magiging bangungot nito.

“Matagal na talaga akong maraming sabihin sa iyo pero ireserba ko na lang. When you start your campaign kung magtakbo ka ng presidente, waswasan kita nang husto. Well, this is your bad — this is your nightmare. Sabi ko pagka-incompetent mo and you were lying. You knew that I was working. You knew that there was [an] ASEAN Summit.

Do not tell me that you do not know about these things. You are the Vice President of this country and you cannot pretend that you do not know what was happening sa gobyerno. Na-timing may typhoon and so iyon ang nangyari. We have to — ako dito, I was busy with my intervention,” sabi ni Pangulong Duterte.

Hindi rin nagustuhan ng Presidente ang tila pagmamando daw ni Robredo sa mga militar dahil wala naman daw ito sa command line.

“ut do not compete with me and do not start a quarrel with me kasi ikaw wala ka talagang nagawa except ‘yang mga tawag-tawag. Tatawag ka kunwari o nasaaan na ‘yung mga helicopter nalipad na ba? Of course they would say yes. Your — your — your question would suggest the answer…Iyon bang ano mga helicopter natin na-deploy? Iyong ating mga ano nandoon na? Yes, yes, yes ‘yan puro. Then you make it appear na gumalaw ang Armed Forces. Kaya kita mo ininsulto ka ng dalawang generals. The one is I think a Marine officer and the other one is an Army. General [Luga?], yeah. Kita mo ininsulto ka. You are not part of the command…So next time, do not commit the mistake or I’ll be forced to insult you because you are playing too much — nagpapa — nagpapa-ano ka, pagpa-beauty ka ng ano. It’s not the time for you. During the campaign… Paalis na ako. Sige, subukan mo,” resbak pa ng Presidente.

Source: PCOO | INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén