Local News

‘Ang Laban ko ay para sa Bayan’ – OFW na Bastos kay PDU30

Naiulat nitong nagdaang mga araw ang binabalak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pauuwiin sa Pilipinas ang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Taiwan na si Elanel Egot Ordidor dahil sa mga paninira na ikinakalat nito sa social media laban sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Mayroon din ilang video si Ordidor na kung saan sinabi nito na gusto niyang sampalin ang Presidente ng Pilipinas. Napag-alaman din ng DOLE na gumagamit si Ordidor ng iba’t-ibang social media account para manira sa Duterte Administration.

“We are constrained to act for the deportation of a Filipina working as caregiver in Taiwan for the crime of cyber libel for willful posting of nasty and malevolent materials against President Duterte on Facebook intended to cause hatred amidst the global health crisis brought about by the COVID-19 pandemic.

…It has come to our knowledge that Ms. Ordidor is using several social media accounts, among which are Lenale Elanel Egot, Mha Lan Dee, Linn Silawan and Hampas Lupa and has a group organized to discredit and malign the President and destabilize the government.

Due to her acts, POLO coordinated with her broker and employer on her deportation on the basis of the gravity of Ordidor’s offense under Philippine Law. The sharing and posting of such videos are punishable under Cyber libel under Republic Act No. 10175.” sabi sa press release ng DOLE.

Matapos lumabas ang balita na gustong ipa-deport ng DOLE si Ordidor, naglathala uli ito ng video ang OFW at sinabi niya na ang laban niya ay para sa bayan.

“Tumatayo (ako) sa katotohanan at naninindigan (ako) sa tama. Hindi ako nakakaramdaman ng takot sa mga isyung nagmula kung kaninoman… Umpisahan natin ang pagsugpo sa mga kasinungalingan para sa taumbayan at para sa bayan ,” sabi ni Ordidor na gumagamit ng alyas na Linn Silawan.

Source: Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: