Local News

Alagad ng Diyos, Nagsagawa ng Church Service sa Gitna ng COVID-19 Quarantine!

Nitong Marso 19 ay isinailalim ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro City sa pangunguna ni Mayor Oscar Moreno sa community quarantine ang kanilang lugar upang malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19).

Pero hindi ito pinansin na alagad ng Diyos na si Pastor Alfred Caslam ng Word of God Spirit and Life Ministries Inc. Ayon sa ulat, nangasiwa ang nasabing Pastor ng isang church srvice kung saan umabot sa 500 katao ang dumalo.

Dahil sa ginawa ng Pastor Caslam, inaresto ito ng mga otoridad. Mahaharap si Pastor Caslam sa paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code for resistance and disobedience to persons in authority at Section 9 of R.A. 11332, for non-cooperation related to health events of public concern.

Ang parusang posbleng kaharapin ni Pastor Caslam ay pagkakakulong na aabot ng isang buwan hanggang anim a buwan at mula na P500 hanggang P50,000.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: