Local News

Alagad ng Diyos, Tinapakan at Dinurog ang Rebulto ng Sto. Niño!

Kontrobersiyal ngayon ang isang Born-again Christian pastor sa Negros Occidental dahil sa video na kumakalat kung saan tinatapaktapakan at dinurog niya ang rebulto ng Sto. Niño.

Si Pastor Christopher Gayoba ay nangangaral para sa River of Life International Ministries na nakabase sa Barangay Tabao, Valladolid, Negros Occidental.

Ayon kay Pastor Gayoba, hindi daw ito ang unang pagkakataon na nira siya ng rebulto at hindi daw siyang nararamdamang pagsisisi sa ginawa niya. Para kay Pastor Gayoba, galit siya sa mga imahe at walang kaligtasan sa pagsamba sa mga ito.

Matapos makita ng mga superior ni Gayoba ang video ay humingi din ito ng kapatawaran.

Humingi na rin ng kapatawaran si Pastor Emilio Henares, kasamahan ni Gayoba. Papatawan daw nila ng kaukulan parusa si Pastor Gayoba para magtanda.

“We take full responsibility for his actions and we issue our public apology to all those who felt insulted and offended by what he did… We will impose disciplinary measures and hope to correct his mistake,” sabi ni Pastor Henares.

Source: Manila Times | Bombo Radyo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén