Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

“Alagad ng Simbahan, Kinaladkad ang Aso Gamit ang Motorsiklo” – PAWS

Ibinahagi ng Facebook page ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang isa umanong kaso ng pagmamalupit sa hayop.

Sinampahan ng kasong Animal Cruelty ang isang lalaki dahil sa umano pagkaladkad sa aso gamit ang motorsiklo nito. Nangyari ang insidente noong Hunyo 14, 2019 sa Quezon Street samay Masbate City. Nakilala ang lalaki sa tawag na “Pastor Bing”

Sa video na isinumite ng isang saksi, mapapanood ang aso na hirap na hirap habang sumusunod sa umaandar na motorsiklo ni Pastor Bing. Nakikita din daw na nakaluwa na ang dila nito at nag-iiwan na ng patak ng dugo.

“In a video submitted by a witness, it can be seen that the dog was struggling to keep up with the motorcycle; its tongue hanging out of its mouth. In another video from the baranggay’s CCTV along Quezon St., Masbate City, it was clearly seen that a trail of blood was left behind by the animal’s paws,” sabi ng PAWS.

Maaring maharap si Pastor Bing sa pagkakulong at multa na aabot sa P250,000 base sa RA 8485 (as amended by RA 10631) also known as the Animal Welfare Act.

Inulan ng batikos ang ginawa ni Pastor Bing sa hayop.

“A “Pastor” who shares love of God to people but who doesn’t love animals that God created. Kawawa mga churchmate nyan. pineperahan lang sila .dapat lng ikulong yang pastor pastoran na yan. I hope doggie is ok. it deserves a better family and life,” sabi ni M. Prudente.

“Poor dog. Glad that the law for animal abuse is now being strictly implemented. To the concerned citizen who posted and shared this thank you” and to PAWS more power!,” sabi ni C. Lacbu.

“Thank you PAWS. This is how we should all do it. We take action against animal cruelty and not merely rely on animal welfare groups to do this for us. Posting may bring awareness but action is crucial.” sabi ni W. Beltran.

Source: PAWS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén