Local News

“Alam mo pala na may Conflict of Interest, Nilabag mo pa rin ang Batas!” Roque, Binanatan si Poe!

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, binanatan ni former presidential spokesperson Harry Roque si Senadora Grace Poe. Magugunita na nitong Lunes lamang ay pinangunahan ni Poe ang pagdinig sa senado para sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Atty. Roque, alam na ni Poe na mayroong conflict of interest pero nilabag pa rin nito ang batas.

“The question goes beyond delicadeza as obviously, the senator probably does not care for such. The issue is why a senator, who knew abouth both her conflict of interest and should have known the prohibition against it, would wantonly violate the Constitution and the law and not have any remorse for it,” banat ni Atty. Roque.

Sa isang panayam matapos ang senate hearing sa prangkisa ng ABS-CBN, inamin ni Senadora Poe na may business relationship ang kanyang pamilya at ang media outlet.

“Number 1, I am the chairman of the Committee on Public Services. No.2, it’s no secret the business relationship of my family with ABS-CBN. No. 3, I am only one of 24 senators. Whatever I say, even if I am for it or against it, if the majority will not side with my opinion, it will not prevail,” sabi ni Poe sa panayam sa ABS-CBN News Channel Headstart.

Ilang araw bago pamunuan ni Poe ang pagdinig sa senado ukol sa ABS-CBN franchise renewal, binatikos na ni Roque ang gagawing pangunguna ni Poe sa naturang pagdinig. Ayon kay Roque, may “conflict of interest” ito dahil ang ina ni Poe na si Susan Roces ay kabilang sa programa ng ABS-CBN na “Ang Probinsyano”.

“Ang sa akin, bakit naman pamumunuan ni Senator Grace Poe itong pagdinig na ito, samantalang mayroon siyang conflict of interest? Ang nanay niya nagtatrabaho sa ABS-CBN. ‘Yung library ng tatay niya na si FPJ ay binili at pagmamay-ari ngayon ng ABS-CBN,” pahayag ni Atty. Roque.

Source: Atty. Harry Roque | Archive |ABS-CBN | Manila Times | SMNI | Philstar | Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén