Local News

‘Alamin niyo kung bakit siya nakulong!’ MMDA Asec, Binoljak ang mga Naawa sa Aktibista na Nahuling may Granada noong 2019!

Nitong nagdaang mga araw ay pinutakte ng media ang istorya ni Reina Mae Nasino, ang aktibista na namatayan ng supling. Si Nasino ay binigyan ng korte ng pagkakataon na dumalaw sa burol at libing. Pero pinuntirya naman ng ilang grupo ang mahigpit na pagbabantay ng otoridad kay Nasino dahilan para magmukhang kaawa-awa ang aktibista.

Pero ang mga anggulo na isinusulong ng ilang sektor ay binoljak ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Official Celine Pialago.

“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan

Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!” sabi ni Pialago.

Sa mga hindi nakaaalam, si Nasino ay hinuli kasama ng kanyang mga kapwa aktibista sa Maynila noong 2019 dahil sa illegal possession of firearms and explosives.

Ilan sa mga matataas na kalibre na baril na nakumpiska sa grupo ay ang Bushmaster Assault Rifle at mga pampasabog.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén