Local News

Albayalde, May Buwelta sa Mga Nananawagan na Patalsikin Siya sa Pwesto!

“Sila ang dapat nang matagal nang nag-resign.”

Ganito ang naging banat ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa mga mambabatas na aniya’y nananawagan na patalsikin na siya sa kanyang puwesto bilang kasalukuyang hepe ng pulisya, mula sa ulat ng Inquirer.

Bagama’t hindi direktang pinangalanan ni Albayalde ang mga tinutukoy niyang tao, kinumpirma naman umano ni PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac na ang pahayag na ito ni Albayalde ay para sa mga mambabatas na nanawagan ng kanyang pag-alis sa katungkulan, sa isang phone interview ng Inquirer kay Banac.

Matatandaang sa isang press briefing na ginanap nitong Miyerkules, nanawagan sina Anakpawis Representative Ariel Casilao at Gabriela Rep. Arlene Brosas na dapat na umanong alisin sa kanyang pwesto si Albayalde, kasunod ng kontrobersiyal na isyu ng pagkamatay ng labing-apat na magsasaka sa isang joint police and military operations sa Negros Oriental noong Sabado.

Ayon pa kay Albayalde, wala umanong sapat na basehan ang pambabatikos sa kabuuan ng PNP kaugnay ng nasabing operasyon dahil aniya, tinanggal na niya sa kani-kanilang pwesto ang hepe ng Negros Oriental Police, gayundin ang mga hepe ng pulisya sa Sta. Catalina, Manjuyod at Lungsod ng Canlaon.

Sinigurado rin ni Albayalde na masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng PNP Internal Affairs Service upang makamit ang tamang hustisya at katotohanan para sa nangyaring insidente.

“Let me express it that in the name of delicadeza, which is obviously not in their moral virtues, they should be the ones who have long since resigned while enjoying the perks and privileges shouldered by the Filipino people,” saad ni Albayalde.

Source: INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén