Local News

Albayalde, ‘Namagitan’ daw sa Dismissal ng ‘Ninja Cops’ ayon kay PDEA Chief

Sa pagsisiyasat sa senate hearing tungkol sa mga “ninja cops” o mga pulis na nagbebenta ng mga nakumpiskang droga mula sa anti-drug operations, naungkat ang diumano’y pamamagitan ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa mga dati nitong tauhan na nahaharap sa ma-anomalyang anti-drug operation noong 2013.

“There was a time when General Albayalde called me, I cannot recall kung anong date ‘yon, kung anong specific month, but it’s between July and December 2016, nagtatanong siya ng status of the case nina Baloyo, and I told him na gusto kong ireview muna ‘yung kaso na ‘yon no’ng time na ‘yon,

Sinabi niya sa ‘kin na, ‘sir, for the mean time baka pwedeng ipareview niyo muna ‘yan at ipacheck kasi gusto kong malaman kung ano talaga ang magiging result ng investigation na ‘yan’.

Sabi ko ba’t mo tinatanong, ‘kasi sir mga tao ko ‘yan,’, so, sabi ko, I’ll ask my regional legal officer to review this,” salaysay ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino.

Bago nagsalita si PDEA Chief Aquino, umapela sa kanyang ang dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ngayo’y Baguio City Mayor na si Benjamin Magalong na sabihin ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa isyu.

Iginiit naman ni Albayalde na wala siyang intensyon na mamagitan sa kaso ng mga dati niyang tauhan bagkus inaalam lang daw niya ang estado ng kaso ng mga ito dahil siya daw ang nilalapitan ng mga kaanak ng mga nasabing pulis.

“Yes, I asked for the status. Only for the status. I could not possibly influence an RD or an upper class…
Of course I would ask them because their relatives will also be asking me the fate of their father, the fate of these policemen”
paliwnag naman ng kasalukuyang PNP Chief Albayalde.

Source: CNN Philippines | DWIZ | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén