Local News

Aliens, Sikretong Nakikipag-ugnayan sa mga Goboyerno ayon sa Former Israeli Space Chief!

Ilang buwan matapos ilabas ng US military ang kanilang video tungkol sa unidentified flying object (UFO), nagsalita si former Israeli Space Agency Chief Dr. Haim Eshed tungkol sa mga nilalang sa labas ng ating planeta o mas kilala sa tawag na “aliens”.

Ayon kay Dr. Eshed, palihim umanong nakikipag-ugnayan ang mga ito sa gobyerno ng Estados Unidos at ng Israel. Pero naki-usap umano ang mga aliens na huwag muna ibunyag sa publiko ang kanilang presensiya dahil ayaw nilang magkaroon ng kaguluhan sa daigdig. Muntik na raw ibunyag ni US President Donald Trump ang impormasyon pero napigilan.

“The UFOs have asked not to publish that they are here. Humanity is not ready yet. Trump was on the verge of revealing, but the aliens in the Galactic Federation are saying, ‘Wait, let people calm down first’. They don’t want to start mass hysteria. They want to first make us sane and understanding,” sabi ni Dr. Eshed.

Bukod sa naging space chief ng Israel, makailang ulit na rin ginawaran si Dr. Eshed ng mga security awards. Nagkapagtapos din si Dr. Eshed ng Master’s degree sa performance research at docorate sa aeronautical engineering.

Nang tanungin kung bakit ngayon lang niya isiniwalat ang tungkol sa mga aliens, sinabi ni Dr. Eshed na wala na raw mawawala sa kaniya dahil nakakuha na siya ng mga awards at nakapagtapos ng pag-aaral.

“If I had come up with what I’m saying today five years ago, I would have been hospitalized. Wherever I’ve gone with this in academia, they’ve said: the man lost his mind. Today they’re already talking differently. I have nothing to lose. I’ve received my degrees and awards. I am respected in universities abroad, where the trend is also changing,” paliwanag ni Dr. Eshed.

Kung ang araw ay isa lamang sa milyon-milyong bituin sa kalawakan, maari kayang may ibang solar system sa iba pang mga bituin?

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: