Local News

Alyas Bikoy, Nagsumite na ng Ebidensiya sa Kapulisan!

Nasa kustodiya na ng kapulisan si Peter Joemel “Bikoy” Advincula. Ayon sa mga ulat, sumurender muli sa otoridad si Bikoy nitong Mayo 27 matapos mag piyansa at pansamantalang makalaya.

Isinumite na raw ni alyas Bikoy ang ilang ebidensiya para mapatunayan ang mga alegasyon nito laban sa oposisyon. Ilang sa mga ebidensiya na ibinigay niya sa otoridad ay cellphones at computer.

Magugunitang naging laman ng balita si Advincula nang lumantad ito sa publiko noong huling bahagi ng Abril para sabihin na siya si alyas Bikoy, ang lalaki sa viral video na nagdadawit sa pamilya ani Pangulong Rodrigo Duterte sa droga. Pero ilang araw matapos ang eleksyon ay muling lumantad si Advincula at sinabing si Senador Antonio Trillanes at ilang personalidad sa Liberal party ang may pakana ng viral video na naninira sa pamilya ni Presidente Duterte.

Sa kaugnay na balita, sinabi ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na maaring mag-apply si alyas Bikoy sa Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno pero dapat daw ay ma-meet muna nito ang mga kaukulang mga requirements.

“Nothing prevents Bikoy from applying for WPP coverage but there are, of course, requirements that he has to meet for full coverage under the program,,” sabi ni Guevarra.

Magugunita na sinabi noon ni Advincula na may hawak siyang ebidensiya laban sa mga taga-oposisyon.

“Lahat ng ginawa namin noon ay may hawak akong ebidensiya na makakapagpatunay na siya ang nasa likod,” ayon kay Advincula.

Source: PTV | ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén