Local News

Nagpakilalang Ama ng Bayan? Pacquiao, Bumibisita sa mga Probinsiya para Mamigay ng Ayuda?

Sa press briefing ng Partido Demokratiko ng Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) noong Marso 12, natanong muli si Senador Manny Pacquiao kung ano ang balak nito sa darating na 2022 elections.

Naging mailap naman ang sagot ni Pacquiao sa katanungan. Ayon sa boksingerong politiko, mahirap daw planuhin ang mga bagay-bagay.

Nilinaw din ni Pacquiao ang ginagawa niyang pagbisita sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Matagal na raw niyang ginagawa iyon para magbigay ng tulong bilang ama ng bayan.

“Mahirap magplano in advance. Sa ngayon ang plano natin ay umiikot tayo dahil tumutulong tayo sa tao… Tuloy-tuloy ang pagtulong natin sa tao, Nakita ko ang kahirapan ng taong bayan… Kinakailangan yung tulong natin bilang ama ng bayan…Mula pa naman noon, hanggang ngayon, tumutulong tayo… Alam niyo, noon pa ho ako umiikot eh, matagal po na panahon, 2005, 2006 umiikot na po ako. Namimigay na po ako ng tulong sa ating mga kababayan. Pumasok po ako sa pulitika 2010 na eh, so hanggang ngayon, ‘yon ang ginagawa natin,” sabi ni Pacquiao.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, nag-iikot daw si Pacquiao sa iba’t-ibang probinsiya para mag-bigay ng ayuda, kasama dito ay ang P1000 cash gift.

Naging laman ng balita si Pacquiao nitong nagdaang mga araw matapos niyang almahan ang ginagawang pag-uudyok ng ilang miyembro ng PDP-LABAN kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo bilang bise-presidente. Pinagbintangan din ni Pacquiao ang kalihim ni Pangulong Duterte na may pakana ng panghihikayat.

“Hindi legitimate ‘yung resolution na ginawa. Nalaman ko lang ‘yun dahil sinabi sa’kin ng tao ko… Hindi ko alam ‘yun. Hindi ‘yun sanctioned as acting president ng partido… Aaksyunan namin ‘yang mga ganiyan na hindi sumusunod sa partido… Si (Energy Secretary) Alfonso Cusi, hindi ako nakikipag-away sa iyo pero hindi ako ang pwede mo lang laruin… Kung umiikot ka, pulitika pinag-uusapan mo, ‘wag mong lasunin ang mga utak ng mga miyembro ng partido para magkahiwa-hiwalay. Warning lang ito,” boladas ni Pacquiao.

Source: MB | MDM | Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén